(Part 1: The Contract of Hatred – Benedicto’s POV)

Sobrang payapa sana ng buhay ko kung hindi lang dumating si Angelina sa eksena. Wala talagang pinipiling oras ang babaeng ‘to para sirain ang araw ko. Yung lakas ng loob niya na magbigay ng kondisyon sa akin, at yung paraan niya ng pagmumukha sa akin na para bang may ginagawa kaming masama, nakakapukaw ng demonyo sa loob ko.

Hinila ko ang necktie ko. Niluwagan ko ‘to dahil pakiramdam ko ay nasasakal ako sa iritasyon na bumabara sa lalamunan ko. Ang bigat ng hangin. Ang sikip ng dibdib ko.

“Sorry sa inasal ng kapatid ko, Beni,” mahinahong hingi ng paumanhin ni Miriam. Ang lambing ng boses niya, kabaligtaran ng kapatid niyang parang laging naghahamon ng away. “Hindi ko lang alam kung bakit nagagalit siya. Pero sana intindihin mo na lang siya…”

Tinitigan ko si Miriam. Ang amo ng mukha niya, pero bakas ang pagod at sakit.

“Don’t apologize for her, Riam,” madiin kong sagot. “She just doesn’t know how to stop. She should apologize to you. Not the other way around. Mas malaki ang kasalanan niya sa’yo!”

Naibulalas ko ‘yun dahil sa matinding inis. Pero huli na nang mapagtanto ko na hindi ko dapat sinabi ‘yun. Nakita ko ang pagtataka sa mga mata ni Miriam.

“Anong kasalanan?” tanong niya.

Nabigla ako. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. For the first time, I stuttered. “Ah… I mean… Hindi ba siya naman ang rason kung bakit… hindi ka man lang niya dinalaw sa ospital? She didn’t even try to save your life when you needed her most.”

It was a lie. A necessary lie. Si Angelina ang nagligtas sa kanya, pero kapalit nun ay ang kasal na ito. Ang kasunduang ito na nagtatali sa akin sa babaeng kinasusuklaman ko. Ayokong dagdagan ang isipin ni Miriam.

Tumayo na ako para umalis, pero pinigilan ako ni Miriam. “Can you stay?” Nakikiusap ang mga mata niya. Alam ko ang gusto niya. She initiated a kiss. Lalaki lang ako, at mahal na mahal ko si Miriam. Pero nirerespeto ko siya. Gusto kong sa kasal namin mangyari ang lahat.

“You need to rest now, sweetheart. Aalis na rin ako, may pending work pa,” paalam ko sabay halik sa noo niya.

Pagkalabas ko, agad kong nilabas ang phone ko. Nag-text ako kay Angelina.

“I want to talk to you. Sa gate. Now.”

Pagdating ko sa kotse, nandoon na siya. Kasama si Clarence, ang driver/assistant ko.

“Aalis muna ako, Sir,” sabi ni Clarence, giving us privacy.

Nang kami na lang dalawa, binasag ko ang katahimikan. “What were you thinking when you made that condition? Bakit kailangan nating tumira sa iisang bahay?”

Lumingon siya sa akin, matapang ang mga mata. “Because I am your wife now.”

Napatawa ako ng pagak. “It’s a contract marriage, Angelina! May hangganan! Paano mo ipapaliwanag sa pamilya mo na sa akin ka nakatira? Anong sasabihin mo? You know I don’t want anybody to know about this bullshit marriage!”

Hindi siya natinag. “Should I tell them you become my husband? Or do you want me to tell them about your deception? Ganyan ka ba magbayad ng utang na loob? Kung hindi dahil sa akin, baka pinaglalamayan niyo na si Miriam ngayon!”

Nag-init ang ulo ko. Siya pa ang may ganang manumbat? “Then I will pay you! How much? Just drop that nonsense condition!”

Tumawa siya, pero may lungkot sa tawa niya. “Hindi mo kayang tumbasan ng pera ang gusto ko, Benedick.”

“So what do you want?!” sigaw ko, grabbing her arm tightly.

“Ikaw,” bulong niya. “Ikaw ang gusto ko.”

Binitawan ko siya na parang napaso ako. “You are bringing yourself misery, Angelina. Just walk away.”

“No,” sagot niya, parang sundalong sasabak sa gyera. “Kahit padalhin mo ako sa impyerno. Gagawin ko. Dahil sa mata ng batas, ako ang asawa mo. Sa ngayon, kahit si Miriam ang mahal mo… kabit na lang siya.”

Bumaba siya ng kotse at iniwan akong tulala. Damn that woman. She wants to play? Fine. I’ll make her life a living hell hanggang sa siya na mismo ang magmakaawang pakawalan ko siya.

(Part 2: The Scapegoat Daughter – Angelina’s POV)

Mabigat ang ulo ko nang gumising ako kinabukasan. Halos apat na oras lang ang tulog ko kakaisip sa sinabi ni Benedick. Impyerno. Handanda naman ako eh. Sanay na ako sa impyerno. Dito pa lang sa bahay namin, impyerno na.

Pagbaba ko ng hagdan, narinig ko na naman ang sigawan.

“Saan mo dinala ang pera?! Bakit nawala?!” hysterical na sigaw ni Mama. “Wala nga! Nalugi ang negosyo!” sagot ni Papa.

Napailing na lang ako. Yan ang laging eksena. Nalulugi na kami, pero ayaw nilang aminin. Dadaan sana ako nang mabilis para hindi nila ako makita, pero narinig ko ang pangalan ko.

“Kung ipakasal mo kaya ‘yang anak mo sa isang kasosyo mo? Kay Mr. Teng? Baka si Angelina pwede niyang pagtiyagaan,” sabi ni Mama.

Parang dinudurog ang puso ko. Nanay ko ba talaga siya? Ibubugaw niya ako para lang sa pera?

Hindi ko na napigilan. Lumapit ako. “Kayo na lang magpakasal kung gusto niyo! Tutal wala na palang pera si Papa!”

Nalaki ang mata ni Mama. “Aba sumasagot ka na! Anong pinagmamalaki mo? Yang trabaho mo kay Benedick? Kung hindi dahil sa kapatid mo, hindi ka makakapasok diyan! Tumulong ka naman!”

“Anong tulong Ma? Ang ibugaw niyo ako?”

PAK!

Dumapo ang palad ni Mama sa pisngi ko. Napahawak ako sa mukha ko. Namamanhid. Sanay na ako sa sakit ng loob, pero yung pisikal na sakit… iba pa rin pala.

Tamang-tama namang bumaba si Miriam. Nakita niya ang lahat. Pero imbes na ipagtanggol ako, siya pa ang kinampihan ni Mama.

“Nakita mo Miriam? Walang respeto ang kapatid mo! Sabihin mo kay Benedick na tanggalin ‘yan sa trabaho nang matuto!”

Tumakbo ako palabas. Habang tumutulo ang luha ko, na-realize ko: Wala akong kakampi. Kahit saan ako pumunta, ako ang mali. Ako ang masama. Kaya pinilit ko ang kondisyon kay Benedick. Gusto kong makaalis dito. Kahit sa impyerno ni Benedick, basta malayo sa pamilyang hindi naman ako itinuring na anak.

Pagdating ko sa opisina, ipinatawag ako agad ni Benedick. Inabot niya ang isang papel.

“Sign this.”

Akala ko divorce papers na. Kinuha ko ang ballpen. Talo na naman ako. Wala na. Tapos na ang laban. Pipirma na sana ako nang mapansin ko ang nakasulat.

Contract Amendment: Living Arrangement approved.

Natigilan ako. Pumayag siya?

“When are you going to move in?” tanong niya, boses yelo.

Tumingala ako sa kanya. Gusto ko siyang yakapin. “Thank you…”

Tinulak niya ako. “Don’t be so happy, Angelina. Alam mo kung anong pinasok mo. I will make sure you regret this.”

Napangiti ako nang mapait. Bring it on, my husband. Gagawin ko ang lahat para palambutin ang puso mo. Three years. May tatlong taon ako para mahalin mo ako.

(Part 3: The Unspoken Truth – Benedicto’s POV)

“When are you going to move in?”

Nasabi ko ‘yun nang hindi nag-iisip. Nairita ako nung makita ko siya, pero nung tinulak ko siya palayo, napansin ko ang pisngi niya. Namumula. May pasa. Sinampal ba siya?

Gusto kong magtanong, pero pinigilan ko ang sarili ko. Wala akong pakialam, sabi ng utak ko. Pero bakit parang may kumurot sa dibdib ko?

“Tell Clarence when you want to move in,” sabi ko na lang.

Nang makaalis siya, naiwan akong nag-iisip. Bakit ganun ang trato sa kanya ng pamilya niya? Akala ko ba masama siyang anak? Pero bakit parang siya ang laging bugbog-sarado?

Biglang tumawag si Miriam.

“Benji, thank you for the flowers! I love you! Pwede na tayong magpakasal agad di ba?”

Napaubo ako. Kasal na naman. Paano ko sasabihin sa kanya na kasal na ako sa kapatid niya? Na nakatira na kami sa iisang bahay simula sa susunod na linggo?

“Sweetheart… we need to postpone the marriage,” sabi ko nang puntahan ko siya sa bahay nila.

Agad siyang bumangon sa kama. Suot niya ay manipis na silk nightgown. Walang bra. Kitang-kita ang kurba ng katawan niya.

“Why, Benji? Can’t you see? I want you. I love you.” Lumapit siya sa akin, niyakap ako, at siniil ng halik.

Natangay ako sandali. Lalaki ako. Mahal ko siya. Pero… biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Angelina. Yung lungkot sa mga mata niya nung sinabi niyang, “Kabit na lang siya ngayon.”

Tinulak ko nang mahina si Miriam. “Not now, Riam. Please. Respect me.”

Nakita ko ang gulat sa mukha niya. First time ko siyang tinanggihan. Pero hindi ko kayang gawin ‘to habang nakatali ako sa kapatid niya. Kahit sa papel lang. Kahit kasunduan lang. May parte sa akin na nagsasabing… may mali.

Umalis ako sa bahay nila na litong-lito. Saan ba ako dadalhin ng desisyon kong ito? At bakit… bakit parang nag-aalala ako sa magiging buhay ni Angelina sa piling ko?

Ito na ang simula ng aming pagsasama. Isang bubong. Dalawang taong magkaaway. At isang sikretong pwedeng sumira sa lahat.