💔 Ang Halimuyak ng Lantang Bulaklak at ang Puso Kong Walang Awa 💔
Sabi nila, ang pinakamalungkot na tao ay ang may pinakamatinding lungkot na ang mga ngiti nila ay peke. Na kahit buhay sila, unti-unti silang namamatay sa loob. At ako? Ang tanging nakikita ko lang ay ang sarili kong sakit. Ang galit ko kay Angelina. Siya ang dahilan ng kalungkutan ko. Siya ang dahilan kung bakit nawala ang taong mahal ko.
Bakit ko siya pakikinggan? Bakit ko siya iintindihin? Deserve niya naman, hindi ba?
Pero hindi ko alam. Unti-unti na pala siyang namamatay sa loob. Nasaktan ko siya. Lahat ng binigay ko sa kanya ay puro sakit. Paulit-ulit kong ipinakita sa kanya na kailanman, hindi ko siya mamahalin. Unti-unti ko siyang pinapatay.
Dinalis ko ang kinang niya. Ang dating kislap niyang kayong liwanag. Ang buhay na sarili niya. Pinulbos ko ang puso niya. Si Angelina. Para siyang bulaklak na unti-unting nalalanta habang hindi ko man lang napapansin. At ang tanging paraan para tuluyang matunaw itong puso kong walang awa, eh ang patuloy niyang magmahal kahit nasasaktan siya.
Angeline: Ang Katagang Tumatarak at ang Kontrata ng Pighati
Angeline’s POV.
“Let’s get divorce.”
Mula sa pagkakahiga sa kama, inaninag ko ang bulto ng lalaking pinagmulan ng katagang unti-unting tumatarak sa puso ko. Katagang dahilan kung bakit wasak ang pakiramdam ko. Katagang kahit na ayaw kong pakinggan ay dahilan kung bakit hindi ko pa man oras na mamatay ay tila pinapatay na ako.
Katagang kinatatakutan kong marinig. Ayaw kong marinig mula sa asawa ko.
“Bakit?” Nanginginig ang boses na tanong ko. Kahit na alam ko naman ang dahilan, para akong tanga na nais pang marinig ‘yon mula sa bibig ni Benedicto. Gustong-gusto ko talagang saktan ang sarili ko at sana ang sakit na hatid niyang muli ang maging dahilan upang tuluyan na akong mamanhid sa sakit. Dahil ayoko na.
Si Benedicto na ilang taon pa lamang ako ay minahal na ng puso ko. Si Benedicto na pinangarap kong maging asawa. Si Benedicto na ngayon ay asawa ko na nga, pero hindi ko nagawang paibigin. Hindi niya ako magawang mahalin dahil may mahal siyang iba, at kailanman, hindi ko mapapalitan sa puso niya.
Bumangon at naupo ako sa gilid ng kama. Tanging ang night lamp lamang sa side table ang naging tanglaw naming dalawa. Ako mula sa kamang inukupa ko ng tatlong taon, at siya, malapit sa saradong pinto ng kwarto ko. Kwarto ko, dahil sa tatlong taon ng pagsasama namin, hindi kailanman ako nakatungtong sa master’s bedroom ng bahay niya.
Sa tatlong taon naming mag-asawa, hindi ko nagawang makatulog sa kanyang kama o makatabi siya sa pagtulog. Sa tatlong taon na ‘yon, isa lang akong kasangkapan na kung kailangan ay ginagamit niya. Pinupuntahan lamang niya ako sa kwarto ko sa tuwing may pangangailangan siyang pisikal. Ako, bilang babaeng parausan niya, at hindi bilang asawa.
It’s my choice to give him my all. Akala ko kasi, mamahalin niya ako.
“Alam mo na ang sagot, Angelina.” May bigat ang katagang ‘yon mula sa kanya.
Mula sa pagkakatitig sa kanya, iniwas ko ang aking tingin lalo na dahil bigla na lamang namuo ang butil ng luha sa mga mata ko. Yumuko ako para itago ang luhang nag-uunahang magpatakan.
“Alam ko ang sagot,” mapait akong napangiti kasabay ng mapait na lasa sa aking bibig.
“I can compensate you with anything, Angelina. Do you want money? Kaya kitang bigyan ng malaking halaga kung saan mabubuhay ka nang masagana. Just give what I want.”
“Hanggang ngayon pa rin ba ‘yun ang tingin mo sa akin, Benedicto?” Hindi ko maiwasang bumulalas na pahikbi ako. Nakuyumos ko ang nightgown na suot ko habang lumuluhang bumaling sa kanya.
“Kung hindi pera, ‘y ano, Angelina? Hindi ba ‘yun naman ang dahilan kaya pinilit mo ang sarili mo sa akin, na kahit alam mo na may mahal akong iba, pinagdulot mo ang sarili mo para pakasalán kita? Because of what? Because of the bankruptcy your father is facing? Because of how selfish you are?” sumbat niya sa akin.
Napailing ako nang marahas para pabulaanan ang mga akusasyon niya. Ilang beses ko nang sinabi na hindi ko alam ang bagay na ‘yon, na humingi pa lang ang ama ko ng pera sa kanya pagkatapos ng naging kasal namin. Akala ko hindi gagawin ‘yun ng ama ko dahil maging siya ay nagalit sa akin nang pakasalan ko si Benedicto. Tinakwil nga nila ako sa pamilya nila. Ginamit pa rin pala ako kahit hindi na nila ako itinuturing na pamilya.
“Nagpakasal ako sa ‘yo dahil mahal kita!” Nais ko ring isigaw, pero pinakikinggan ba niya ako? Kailanman, hindi niya pinakinggan ang mga salita ko. Kailanman, hindi niya ako pinaniwalaan. Walang salita ko ang pinaniwalaan niya.
Benedicto. Siya na lang ang natitirang pinanghahawakan ko na akin.
“Now, I want you to sign the divorce agreement, Angelina,” mariin niyang saad. Mabibigat ang mga hakbang niya na palapit sa gawi ko. “Three years of us is enough. This is the end of our contract.”
Nanatiling hilam ng luha ang mga mata ko habang pinapanood ang paglapit niya sa akin. Lumalabo man ang mga mata ko ay hindi ako bumitiw sa pagkakatitig sa kanya. Ayaw ko siyang mawala sa paningin ko. Ayaw ko siyang mawala sa akin.
Pero siguro nga, ito na ang wakas.
“Three years is enough for this. Ngayong nandito na muli si Miriam, siguro naman pwede na kaming maging masaya. Give us the happy life you took from us. Happy life…”
“Ako ba, kailan naging masaya?”
“But I save her life, Benji. And I paid you for that. Ilaan kong tatlong taon ng buhay ko sa walang kakwenta-kwentang pagsasama na ‘to.”
“Walang kakwenta-kwenta.” Hindi ko maiwasang pagak na matawa habang lumuluha.
Kapansin-pansin ang biglang pagdilim ng mukha ni Benedicto, pero wala na akong naging pakialam. Tumayo ako kahit pa tila hindi ko maramdaman ang mga paa ko. Ang tanging nararamdaman ko ay ang pagkapunit ng aking puso. Ang pagkawasak ng pag-asang mapapaibig ko rin siya sa loob ng tatlong taong kontrata namin bilang mag-asawa.
“Tama nga naman,” usal ko. Mahina lamang pero alam kong makakarating ‘yun sa pandinig niya. Magkalapit na magkalapit pa kasi kami sa isa’t isa. Nagawa ko siyang tingalain.
“This three years were hell, right? Impyerno sa feeling ko?” sabi ko. Sinubukan kong pahiran ang luhang patuloy pa rin sa pagpatak. Namamaos na rin ako dahil pilit kong pinipigilang pumalahaw. Pinipigilan kong magmakaawa na huwag niya akong hiwalayan, dahil this three years with him was my happy place. Kahit puno ng pasakit na hatid niya sa akin, naging masaya ako. Minahal ko siya.
A painful love.
Bumaba ang tingin ko sa papel na hawak niya. Pinilit kong abutin ‘yun mula sa kamay niya, pero nawalan ako ng balanse. Bumagsak ako sa mga bisig niya. Agad niya akong hinawakan sa braso. Mahigpit ang pagkakahawak niya doon. Nasasaktan ako, pero binalewala ko lang. Gaya ng pambabalewala ko’t pagtitiis sa ilang taong pasakit.
“You’re still playing this kind of sh*t. Hindi mo ako makukuha sa kadramahang ito, Angelina,” ngitngit na usal niya sa tenga ko.
Mariin akong napapikit. Biglang pagdilim ng paningin ko at panaka-nakang nawawalan ako ng malay. Ang masasakit na katagang ‘yun lamang ang nagpapabalik sa aking wisyo na ang lalaking kaharap ko ay walang binigay sa akin kung hindi sakit sa aking kalooban. Ibinuhos ko ang natitira kong lakas para iangat ang kamay ko sa dibdib niya. Bahagya ko siyang tinulak para makawala, ngunit nanatili siyang hawak ako sa braso.
Tila wala akong lakas upang makawala sa kanya. Wala na talaga akong lakas. Ilang araw nang masama ang pakiramdam ko. I stop drinking my meds because I want to cherish the life I have inside me.
“Kung gusto mo talagang kumawala, you need to push me harder or this is another trick of yours,” sabi niya.
Nanatili akong hindi kumikibo. My body is swaying. Hindi ko na makontrol. Saglit na nawawalan ako ng malay. Nilalabanan ko lang. Ayaw ko nang magpakita ng kahinaan para kaawaan niya ako. At hindi naman niya ako paniniwalaan kahit na sabihin ko pang malapit na ang oras ko. Kahit sa mga huling araw ko, hindi niya talaga ako hahayaang maging masaya man lamang.
‘Yun lang naman sana ang hiling ko—ang maging masaya sa piling niya kahit na saglit lang.
“Angelina,” hindi ko alam kung biglang lumambot ang pagtawag niya sa pangalan ko, maging ang pagkakahawak niya sa akin. Naramdaman ko na lamang ang daliri niya sa baba ko at ang pagtaas niya ng mukha ko upang matingala siya.
Ilan pa rin ang luha sa mga mata kong nanlalabo na. Nag-aagaw ang kamalayan ko at ang kadilimang kumakain na sa akin nang buo. Sumibol ang mapait na ngiti sa mga labi ko nang magtama ang mga mata namin. Hanggang sa hindi pa tuluyang dumidilim ang paningin ko ay pinakatitigan ko ang mukha ni Benedicto. Ang mukha ng lalaking minahal ko ngunit tanging pasakit lang ang napala ko.
“I thought I could melt your heartless heart, Benji,” usal ko sa nanghihinang boses. “Nagkamali ako. I could never win your heart. You will never love me. Tanggap ko na. Mas tatanggapin mo ang kamatayan ko kesa ang pagmamahal ko sa ‘yo.”
Ramdam kong biglang paghigpit ng hawak niya sa baba ko. “Stop this nonsense!” singhal niya. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa aking mukha.
Isang multo ng ngiti ang namutawi sa mga labi kong wala nang kulay. “I’m tired. Pagod na pagod na akong lumaban. Ilaban ng pagmamahal ko. Ilaban ng buhay ko. I’m sorry, my angel.”
“Mas pipiliin ko na yatang magkasama na lamang tayo sa kabilang mundo. You don’t need my signature. You will be free, Benedicto.”
Sinubukan ko siyang itulak kahit na wala nang lakas. Nanatiling nakatingala ako dahil hindi niya kailanman binitawan ang baba ko. My heart will stop beating and loving you. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng mga kamay ko. Bumagsak na lamang ‘yon mula sa pagkakadampi sa dibdib niya. Unti-unti akong pumikit kasabay ng pagbagsak ng ulo ko mula sa pagkakahawak niya.
“Angelina!” Kay sarap pakinggan ng boses niya at ng pagtawag niya sa pangalan ko ngayon. I can sense fear. Natatakot ba siya na mawala ako? Pero huli na ang lahat. Huli na.
Hihinto ang pagmamahal ko sa kanya dahil dito na rin nagtatapos ang buhay ko. Ayoko na ng sakit. Ayoko na ng sakit na dulot ng pagmamahal ko sa kanya. Sumusuko na ako. Sinusuko ko na siya.
Benedicto: Ang Banta ng Kamatayan at ang Imposibleng Kondisyon
Benedict’s POV.
Hawak ko sa kamay si Miriam habang nakaratay siya sa kanyang hospital bed. Sinugod daw siya sa ospital dahil sa labis na pagdurugo ng ilong niya. I don’t know why. She looks healthy. Nawala lamang ako ng isang buwan dahil sa business trip ay ganito ang naabutan ko. She’s sick.
Nahihirapan akong makita siya na ganito. Lord, why are you doing this to us? Impit na pagkausap ko sa itaas. Miriam is the love of my life. Magpapakasal pa kami, bubuo pa kami ng pamilya. But why? Bakit ngayon pa, pagkatapos ko siyang ayain na magpakasal?
She was diagnosed with acute leukemia. Ang tanging paraan para ma-save ang buhay niya ay ang magkaroon ng bone marrow transplant sa lalong madaling panahon. But we can’t find a match for her. Not even her mother nor her father is a match. Sinubukan ko na rin, pero hindi kami magka-match.
Mas sumigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Nakausap ko na ang mga doktor. Handa akong gumastos ng milyon-milyon para lang manatili siyang buhay. Gagawin ko ang lahat para mailigtas siya. Pero sinabi nila na critical na ang lagay niya ngayon. Kailangan na namin ng transplant sa lalong madaling panahon. Ang tanging magagawa na lang natin ay magdasal para sa isang himala. Himala na mayroong donor na magiging compatible sa kanya bago pa mahuli ang lahat.
Napatingin ako sa kanya nang marinig ko siyang umungol. Gumalaw nang bahagya ang kanyang ulo. Nataranta ako nang dahan-dahan siyang magmulat ng mga mata. Sa akin siya kaagad nakatingin.
“Benji!” mahina niyang tawag sa pangalan ko.
“I’m here, sweetheart. I’m here. How are you?” tanong ko. Gumaralgal ang boses ko kahit pilit kong tinatago ‘yun. Ayaw kong magpakita ng kahinaan sa kanya. She needs me to be stronger. Sa akin siya dapat kumuha ng lakas.
“Benji, I’m dying.” Nagtagis ang mga bagang ko sa tanong niya. I sense fear in her voice. That word is like a dagger to my heart. Humiling ako nang marahas. Hindi ko hahayaang mamatay siya. I’ll do anything. Kahit na magbayad pa ako ng tao para lang hanapan siya ng donor.
Tumayo ako’t ibinaba ang mukha ko para halikan ang noo niya. “No, sweetheart. No. Hindi ko papayagan na mangyari ‘yon. I’ll do anything to keep you safe and alive,” honesto ko. Dahil hindi ko talaga papayagan si kamatayan na kunin ang mahal ko. Kung pwede ko lang ibigay sa kanya ang kalahati ng buhay ko ay gagawin ko.
“Natatakot ako, Benji. Natatakot ako mamatay. I don’t want to die,” mahinang ika niya. Humagulhol siya ng iyak.
Nataranta ako. I hug her tightly. Inalo ko siya’t pinakalma. She’s getting hysterical kahit na nanghihina. I know she’s scared. She’s full of life before the disease. Ang dami niyang gustong gawin. Ang dami niyang pangarap sa buhay para magupo lang ng sakit na ‘yon.
“I’ll do everything, sweetheart. Gumaling ka lang. So don’t be afraid. Nandito lang ako. Promise me, Benji, hindi mo ako iiwan. I love you. Mahal na mahal kita.”
“I love you, sweetheart. I will never leave you. Pero magpagaling ka na muna. Kapag magaling ka na, magpapakasal tayo. Ibibigay ko lahat ng gustuhin mo. You are my Queen. I’ll do anything just for you.”
Muli kong niyakap si Miriam hanggang sa makatulog siya sa aking bisig. Nang maipahiga ko na siya sa kanyang kama ay muli ko siyang pinakatitigan. The love of my life is suffering.
Nang matanto kong tulog na tulog na muli si Miriam ay lumabas ako mula sa kwarto niya. Gusto kong sumagap ng hangin sa labas. Gusto ko man siyang bantayan ay kay bigat naman ang pakiramdam ko na nakikita siya sa kalagayan niya. Kailangan ko na munang saglit na lumayo sa loob. Kababalik ko lang galing sa business trip at wala pa akong maayos na tulog. Dumiretso agad ako sa ospital para sa kanya na hindi ko na nga nagawang magbihis pa. Inutusan ko na lang ang kanan kong kamay, at at the same time sekretarya na si Clarence, para dalhin sa bahay ang mga gamit ko.
Naupo ako, hapong-hapo, sa bench sa labas ng kwarto ni Miriam. Dinukdok ko ang aking mukha sa aking kamay habang nakapatong naman ang mga siko ko sa aking magkabilang hita. Hindi ko lubos maisip na darating kaming dalawa ni Miriam sa ganitong pagsubok. Bakit ngayon pa? Dalawang taon na rin kaming magkasintahan. Our relationship is not always a happy one. Pero pinili pa rin namin ang isa’t isa. Pinili ko pa rin siya kasi naintindihan niya ako. As the CEO of the company, nasa balikat ko ang lahat. And she’s okay with that. She’s okay kahit na mabigyan ko lang siya ng mga mamahaling regalo. Wala siyang reklamo kahit na sobrang busy ko. Pinapaintindi ko naman sa kanya na para sa future namin ‘yon. Kaya nga nag-propose na ako sa kanya para bigyan siya ng assurance.
Nasa malalim akong pag-iisip nang makaramdam ako ng yabag palapit sa akin. Hindi umangat ang tingin ko, pero may kung anong papel ang nakalahad sa harapan ko. Nasa papel ang mga mata ko, pero napansin kong babae ang naroon. Nakasuot kasi ito ng heels at nakapalda. Walang gana ko ‘yong tinangala. Naikunot ko ang noo ko nang makasalubong ang mga mata ni Angelina. May fiancé step-sister? Ngumiti ito sa akin. I don’t like the look in her eyes.
“What are you doing here?” tanong kong wala ring kagana-gana.
I don’t know, pero una pa lang ng tagpo namin ay ayaw ko na siya. She’s working in our company. Pinakiusapan ng magulang nilang ipasok ko sa kumpanya. Paano daw ay hindi ito tumatagal sa anumang trabahong pinapasukan noon? She’s irresponsible. ‘Yun ang nakikita ko. Paano sa edad na 25 ni Miriam ay walang pinapatunguhan ang buhay niya? Kabaligtaran siya ni Miriam. May magandang career si Miriam. She can live on her own if she wants to.
But so far, ilang buwan na rin si Angelina sa kumpanya ko. Hindi pa naman ito nagre-resign o napatalsik sa trabaho. Nasa marketing department siya ngayon. Nababalitaan kong sakit siya sa ulo doon. But I don’t mind. Basta hindi siya under sa akin, sa tingin ko hindi rin siya kayang paalisin dahil nahihiya sila sa akin.
“Luke!” ika niya, ginalaw ang papel na hawak niyang nasa harapan ko.
“What’s that?” nairit na tanong ko. Nandun na naman ang kakaibang inis sa kalooban ko sa tuwing nakikita siya. Kapag dumadalaw kasi ako sa bahay nila ay lagi siyang naroon, na tila nakabantay sa kapatid niya. Gusto namin ng privacy ng kapatid niya pero palaging kung saan kami nandoon siya. Parang sinasadya niya ang lahat. Ayaw ko namang mag-isip ng masama ng mga magulang nila kapag inaya ako ni Miriam sa kwarto nito. I have so much respect for her. Ganun ko siya kamahal.
“Miriam and I are match. I can donate her my bone marrow,” kaswal na pagbabalita niya sa akin.
Nanlaki ang mata ko at napatayo sa sinabi niya. Sa unang pagkakataon ay nagalak ako sa kanya na hawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa papel.
“Really? That’s good news,” ika ko. I hug her. Sa labis na saya ko’y nayakap ko siya nang mahigpit. Sa wakas, may makakapagligtas na sa mahal ko.
“Let’s go. We need to tell the doctor right away. Para magawa na ang mga kaukulang test,” bulong ko.
Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap niya pabalik sa akin. I was taken aback. Muling bumalik ang iritasyon na nararamdaman ko sa kanya. I tried to push her pero mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.
“Angelina!” tawag ko sa pangalan niya na may babala.
“Do you want me to save her, Benji?” ika niya mula sa pagkakayakap niya sa akin. Parang lumaki ang ulo ko sa pagtawag niya sa pangalan ko. Only Miriam can call me that. Saka siyang nagbigay sa akin ng pangalan na ‘yon. I don’t like the tone of her voice either.
I pushed her. Pilitan akong kumawala sa pagkakayakap niya. I saw a pain in her eyes when she locked her eyes to mine. Kumunot ang noo ko nang ngumiti siya. I sense the loneliness on her smile. Hindi ako mapakali. Bigla akong kinutuban.
“I will save her, but in one condition,” sabi niya. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko.
“I want you to marry me before I save her.”
“Ridiculous!” galit na saad ko. “How can you say that?” Ang kapal naman ng mukha niya para gawing kondisyon ‘yon.
Bumakas sa mukha niya ang takot, pero hindi siya nagpatinag.
“Mamili ka, Benji, her life or yours?” ika niya. Naikuyom ko ang kamao ko. Alam na alam niya na si Miriam ang buhay ko. Nagtagis ang mga bagang ko. Hindi ko siya masagot.
“Marry me and I save her. ‘Yun lang, Benji.”
“Bakit mo ginagawa ‘to?” honesto ko. I am trying to calm myself. Gustong-gusto ko nang pilipitin ang leeg niya. Pero inaalala ko si Miriam. Angelina is her only savior right now. I can’t risk that.
Umatras ako nang lumapit siya. Dinistansya ko ang aking sarili. I even raised my hand to stop her.
“Benji, mahal kita.” Mas lalong naikuyom ko ang aking kamao nang marinig ang sinabi niya. Nawalan na ng kulay ang kamay ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakakuyom. Nagpanting din ang mga tenga ko sa sinabi niya.
“Love, kailan pa? Gusto kitang maging akin, Benji, and I know this is a God’s plan for me to have you.”
“Huwag mong gamitin ang Panginoon dito para sa kabaliwan mo, Angelina. If you really know God, doing this is a sin. Bakit kailangan pang may kapalit ang pagligtas mo sa kapatid mo?” Umalingawngaw ang boses ko sa pasilyo. Buti na lang at wala nang masyadong katao-tao. Andito sa private hospital. Nasa private room din kami.
Muli siyang ngumiti. I saw bitterness in her smile. May butil ng luha sa mga mata niya, pero kaagad niya ‘yung pinahid.
“You know what? ‘Yan din ang katanungan ko lagi sa sarili ko. Loving you so hard. You are heartless. Hindi mo ako makita. Nauna kitang nakilala. Nauna kitang minahal. Pero bakit si Miriam?”
Hindi ko alam ang mga pinagsasabi niya. Wala akong maintindihan. All I can see is her lying.
“I’ll give you until tomorrow to decide, Benji. Marry me or she will die,” sabi niya. Tinalikuran niya ako.
Para akong nasemento sa kinatatayuan. I can’t even move. Nanatili lang akong nakatingin sa likod ni Angelina hanggang sa maglaho ito sa paningin ko.
I shed a tear. At alam ko kung bakit ako umiiyak.
I can’t decide right now. Pero alam ko sa sarili ko na that I don’t have a choice. I need to save Miriam. Mas gugustuhin kong buhay siya kaysa makita siyang mahirapan at mawala nang tuluyan sa akin.
Oh God, napatingala ako. Gusto kong magpasaklolo sa Diyos. Gusto kong liwanagin ang isip ko, maging ang isip ni Angelina. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa kanya na gawin ito. Pero I want her to stop. Ayaw kong saktan si Miriam. Mahal na mahal ko siya. Kung pakasalan ko si Angelina, parang pinatay ko na rin siya. At ako? Parang pinatay ko na rin ang sarili ko. The only woman for me is Miriam. I can’t live without her.
Ano nga kayang nagbigay ng matinding rason para pakasalan ni Benji si Angelina? At ano nga bang ibig sabihin ni Angelina na nauna siya kay Miriam?
‘Yan ang ating aalamin sa susunod nating kabanata… (Abangan!)
News
Habang Umiiyak ang Isang Bilyonaryo sa Puntod ng Kanyang Anak, Isang Pulubing Batang Babae ang Lumapit na Kamukhang-Kamukha Nito—Ang Lihim na Kanyang Natuklasan ay Yumanig sa Buo Niyang Pagkatao at Nagpabago ng Lahat. 😱💔
Kabanata 1: Ang Alingawngaw ng Kahapon Ang kulay abong langit ng Manhattan ay tila sumasalamin sa bigat na dumudurog sa…
Akala ng lahat ay talunan na si Elena matapos siyang iwanang walang-wala ng kanyang sakim na asawa, ngunit hindi nila alam na ang kanyang kapatid na isang Navy SEAL at ang kanyang nanay na isang batikang abogado ay nagluluto na ng isang planong wawasak sa buong imperyo ng lalaking umapi sa kanya.
Kabanata 1: Ang Masamig na Katahimikan ng Katotohanan Tahimik ang loob ng silid ng hukuman, isang katahimikang mabigat at tila…
Isang Nurse ang Sinisante Matapos Iligtas ang “Pulubi” sa ER, Ngunit Nagulantang ang Lahat Nang Dumating ang Dalawang Military Helicopters sa Highway Para Sunduin Siya—Ang Pasyente Pala ay Isang Delta Force Captain na Target ng Isang Milyonaryong Doktor!
Kabanata 1: Ang Anghel sa Gitna ng Unos Ang mga ilaw na fluorescent sa St. Jude’s Medical Center ay may…
Isang palaboy na ina ang nagmakaawa para sa “expired cake” para sa kaarawan ng kanyang anak, ngunit ang hindi niya alam, ang lalakeng nakatitig sa kanila sa dilim ay ang pinakamapangyarihang mafia boss sa lungsod. Ano ang nakita ng malupit na lalakeng ito sa mga mata ng bata na naging dahilan ng pagguho ng kanyang imperyo? Isang kwentong hindi mo dapat palampasin!
Kabanata 1: Ang Butterfly Cake at ang Estranghero sa Dilim Isang ordinaryong hapon lamang iyon sa Rosetti’s Bakery sa gitna…
Akala nila ay isang hamak na waitress lang siya na tagalinis ng basag na baso, pero nang bigkasin niya ang isang sikretong salita sa harap ng makapangyarihang bilyonaryo at ng kanyang matapobreng ina, biglang gumuho ang buong imperyo! Isang lihim na itinago ng ilang dekada ang mabubunyag—sino nga ba ang babaeng ito at bakit takot ang lahat sa kanya?
Kabanata 1: Ang Alingawngaw ng Nakaraan Walang sinuman sa silid na iyon ang naglakas-loob na magsalita sa kanya. Hindi dahil…
Isang “mahina” at nanginginig na nurse ang pilit na pinahiya, minaliit, at sa huli ay sinisante ng isang mayabang na doktor—ngunit ang buong ospital ay niyanig nang biglang lumapag ang isang itim na helicopter ng militar sa parking lot para sunduin siya! Sino nga ba talaga ang misteryosong babaeng ito na tinatawag nilang “Valkyrie”?
Kabanata 1: Ang Alamat na Nakatago sa Dilim Ang ingay ng mga fluorescent lights sa St. Jude’s Medical Center sa…
End of content
No more pages to load







