💔 KABANATA 1: ANG HALIK NG KASALANAN AT PAGKAKADISMAYAHAN
Parang kidlat na dumaloy sa akin ang marahas na halik na iyon. Hindi ito halik ng pag-ibig, kundi isang sipa ng parusa, isang selyo ng pagkamuhi.
Siya. Si Benedicto. Ang lalaking gumawa ng unang hakbang, ngunit ang labi niya ay tila yelo na dumampi sa aking balat. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Dapat masaya ako, hindi ba? Siya ang nag-umpisa. Pero bakit tila ginagahasa ng kanyang bibig ang aking kaluluwa? Isang halik ng demonyo, walang bahid ng pagmamahal, tanging kapangyarihan at pag-aari.
Nang maramdaman niya ang aking luha, bigla siyang huminto.
Agad na napalitan ng matinding pagkasuya ang tingin sa kanyang mga mata. Sa harap ko mismo, walang pag-aalinlangan, pinunasan niya ang kanyang mga labi na parang diring-diri sa akin.
“Huwag ka nang magtrabaho dito. Kung hindi, hindi na matutuloy ang kontrata natin,” banta niya.
Binitawan niya ako. Biglang-bigla. Iniwan akong mag-isa, sa gitna ng silid na punung-puno ng pagkasira ng puso.
Natutop ko ang aking bibig. Imbis na tumigil, lalong umagos ang luha. Lalo akong nakaramdam ng panlulumo at awa sa sarili.
Ipinadama niya sa akin na wala akong silbi. Isang basahan.
Ginagawa ko ito para mabuhay! Gusto kong mag-ipon. Sakaling wala na akong mapuntahan—dahil alam kong anumang oras, mawawalan ako ng pamilya—ay may pera ako. Pamilyang hindi naman ako itinuring na pamilya. Nakikipaglaban sila para sa negosyo, at malapit na silang mabangkrap. Ayaw lang aminin ng aking mga magulang, pero alam kong nanganganib na ang lahat.
💥 KABANATA 2: ANG PAGTATAPOS NA PINILIT
Nang mahimasmasan, inayos ko ang sarili. Kailangan kong tapusin ang shift. Nakakahiya sa manager na tumulong sa akin makapasok dito.
Nang papalapit na ako sa pinto, nasalubong agad ako ni Mamang (ang manager namin). Kumakabog ang dibdib niya, hinila ako palayo.
“Naku, Angelina, uwi ka na lang!” aniya, nagkakamot ng ulo. “Hala, baka mapahamak pa tayong lahat, Angie. Mawalan pa kami ng trabaho. Pati itong negosyo, baka mawala! Hindi mo naman sinabi na boyfriend mo pala ang pinakamayamang negosyante sa Pinas!”
Kumunot ang noo ko. Ano’ng kinalaman ni Benedicto sa club? “Hindi ko po siya boyfriend,” paliwanag ko.
Lalo siyang nagkamot ng ulo. “Naku, Angelina, huwag mo nang itanggi. Babantaan ba kami kung hindi?” Nakasimangot niyang sabi, hindi naniniwala.
“Sige na, Angie, ha? Ide-deposito na lang namin ang sweldo mo. Pasensya ka na, pero hindi ka na pwedeng magtrabaho dito.”
Ano? May ginawa ba akong masama?
Ang gulat ko ay napalitan ng matinding galit. Si Benedicto. Alam kong may kinalaman siya dito. Alam niyang hindi ako susunod sa gusto niya, kaya gumawa siya ng paraan para tuluyan akong mawalan ng trabaho.
Nahirapan si Mamang magpaliwanag. Kaya ako na ang tumigil sa pagtatanong.
“Huwag kang mag-alala, Mamang. Walang mawawalan ng trabaho sa inyo. Naintindihan ko,” sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili.
Napakabuti niya, tinanggap ako kahit na waitress lang talaga ang trabaho ko. Nagulat siya nang pumayag akong makipag-table. Hindi naman ako papayag kung hindi ako kinausap ng lalaking nagbayad. Ang lalaking nagbayad sa akin para magpanggap na kasintahan niya, para takpan ang kanyang kasarian sa kanyang mga kasama. Oo, bakla siya.
Kaya malakas ang loob kong pumayag; pagpapanggap lang naman. Alam kong totoo siyang bakla dahil nakita ko siyang nakikipaghalikan sa isa pang lalaki.
“Sige, Mamang, bago ako umuwi, pagsisilbihan ko na muna ang nagbayad ng malaki para sa akin,” sabi ko.
Imbis na umuwi, dali-dali akong tumungo sa private room.
“Angelina, sandali!” may pangamba sa boses ni Mamang. Pero wala na akong pakialam. Plantsado na ang desisyon ko. Aalis din naman ako, lubusin ko na.
🔥 KABANATA 3: PUSTURA NG PAGKAPAHIYA
Walang katok-katok, pumasok ako sa private room kung nasaan sila Benedicto.
Gulat na gulat siya. Samantalang ang kasama niyang babae ay napangisi. Tumaas naman ang kilay ng isa pang lalaki.
“What are you doing here?” Mariing tanong ni Benedicto, nanlilisik ang tingin sa akin. Kalmado pa siyang nakaupo.
Hindi ako nagpaligoy-ligoy. Naupo ako, tabi niya.
Lalong naging matapang ang mukha niya, parang anumang oras ay kaya niya akong balatan nang buhay.
“Ano pa ba? You paid for my service. I need to serve you for that,” sabi ko.
Kinuha ko ang bote ng alak sa mesa. “Drink, sir,” alok ko, may pilit na ngiti at lambing sa boses.
Kitang-kita ko ang pagtagis ng kanyang mga bagang. Magkatabi kami. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pag-galaw ng kanyang lalamunan dahil sa paglunok.
Nang hindi niya ako sagutin at hindi rin inabot ang baso, mabilis kong inangat ang bote sa aking bibig at tumungga doon. Ayaw niyang uminom? Ako na lang.
“Stop!” Marahas niyang sinaway ako, malakas pa ang boses. Agad niyang inagaw sa akin ang bote.
Sa gilid ng aking mga mata, nakita ko ang pagkamangha ng kanyang mga kasama. Ngumisi ako, kahit na inatake na ako ng matinding kaba.
“Ito ang ginagawa ko, Sir. Sayang naman ang binayad n’yong malaking halaga sa akin. Tutal, huling gabi ko na sa trabaho, dahil sa ‘yo.” Hindi ko maiwasang lagyan ng sarkasmo ang tono. May hinanakit ang bawat kataga.
Pero imbis na mas magalit, bigla siyang ngumisi. “Good.”
Nagawa pa niyang magsaya na wala na akong trabaho! Nagtagumpay siyang paalisin ako.
Inagaw ko ang bote ng alak. Mahigpit ang pagkakahawak ko. Pinipigilan kong huwag iyon ibuhos sa kanya. Nanginginig ang kamay ko nang walang pag-aalinlangan, ibinuhos ko ‘yon sa aking sarili. Napapikit ako nang tumama sa ulo ko ang malamig na likido.
“What the?” nanlalaki ang mga mata at namangha sa gulat ang mga kasama ni Benedicto. Siya, hindi nakakibo.

‘Yun naman ang gusto niya, hindi ba? Ang maipahiya ako? Hindi ko na dinumihan ang kamay niya. Ako na ang gumawa sa aking sarili. He will be very happy, for sure.
Mabilis na tumayo ang kasamang lalaki ni Benedicto. Tinanggal niya ang suot na coat at akmang ibabalot sa akin nang sumigaw si Benedicto.
“Don’t touch that filthy woman!” Babala niya, dumagundong ang boses.
Matatalim ang tingin niya. Nanginginig ako sa lamig ng alcohol.
“Get out!” Utos niya, itinuro ang pinto. Galit na galit, imbis na matuwa.
“Bened, sumosobra ka na,” saway sa kanya ng kasamang babae.
Pero hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon. Yumukod ako sa kanila at agad na umalis.
I will leave, if that’s what he wants.
🌃 KABANATA 4: ANG UMAGA NG PAG-ASA SA GITNA NG DILIM
“Okay ka ba, Angelina?” tanong ni Sonya. Naabutan niya ako sa locker na nagbibihis. Alam kong nagtataka siya dahil basa ang buhok ko. Mabuti na lang at may shower room.
“Oo naman, okay lang ako,” sagot ko, nakangiti.
Kinuha ko ang bag. Nagpaalam. Hindi ko na sinabi na huling shift ko na ‘yon.
Dahil Sabado, minabuti kong hindi na umuwi. Hindi naman ako hahanapin, at hindi magsasabi si Miriam na umalis ako. Ilang beses na akong nahuli, pero wala namang sinasabi sila Mama at Papa.
“Manang Bebang, pabili po ako ng lomi, maraming sahog ha?” Request ko sa nagtitinda.
Ang lomi-han ni Manang Bebang ay bukas magdamag. Para sa mga night shift at sa katulad kong nagugutom. Kakain muna ako. Pagdating sa bahay, matutulog na lang ako, walang istorbo.
“Susme, bata ka! Ikaw na naman. Ikaw ang magba-bankrupt sa negosyo ko! O, heto.”
Tumayo ako at niyakap siya. Nakapwesto ako sa gilid, malapit sa counter. Natatawa ako dahil nagrereklamo siya pero sinusunod din naman ang request ko. May kasama pang chocolate milk.
“Salamat, Manang Bebang,” sabi ko, sinimulang kainin ang lomi. Nakaramdam ako ng ginhawa.
Suki ako doon. Sanay na si Manang Bebang. Naghihintay ako hanggang lumiwanag bago umalis. Minsan, tumutulong ako, o nagsisilbing ‘gwardiya’. Pero kadalasan, tulog-mantika ako sa gilid.
“Ikaw na bata ka. Tinulugan mo na naman itong pagkain mo,” narinig ko pa si Manang Bebang bago ako hilahin ng antok.
Buti pa ang ibang tao, ganito sila mag-alala. Hindi naman nila ako kaano-ano, pero nakikita nila ang halaga ko. Bago tuluyang gupuin ng antok, lumabas ang butil ng luha sa aking mga mata.
Nagising ako na may taong nag-uusap-usap.
“Bebang? Tulog na naman ang anak mo, ha?” sabi ng pamilyar na boses.
“Hayaan mo nga siya, Tonyo. Wala pang dalawang oras ang itinulog niyan. Tumahimik ka,” pakalma ni Bebang.
Napangiti ako. Para bang bangayan na nila sa umagang ‘yon. Lagi naman silang ganoon.
“Hala, at kumain ka na lang, Tonyo. Saka ko na gigisingin kapag ready ka nang umalis,” muling sabi ni Manang Bebang.
Gusto kong itaas ang ulo para malaman nilang gising ako, pero hindi ko ginawa. Paano, biglang bumagsak ang luha ko?
Buti pa sila, mahal ako. Ramdam ko na pinahahalagahan ako. Sila ang pamilya ko. Si Manang Bebang, si Kuya Tonyo (ang jeepney driver na laging naghahatid sa akin), si Nanay Saling (na gusto kong tulungan mag-ipon para makapagsimula ulit).
Kaya ayaw kong umalis sa club, dahil sa kanila. May ipon na ako, pero hindi pa sapat.
💔 KABANATA 5: ANG SAMPAL NG KATOTOHANAN
Ilang sandali pa, nanatili akong nakadukdok para mapakalma ang sarili. Nang okay na ako, tumayo ako.
“Abay, gising na ang magandang dalaga namin,” ika ni Kuya Tonyo.
“Naku, Angelina, maganda ka pa rin naman kasi kahit na namumula ang mga mata mo, may muta sa magkabila mong mga mata, at may landas ng laway sa bibig mo. Gulung-gulo ang buhok, maganda ka pa rin talaga,” aniya ni Aling Bebang.
Nalaki ang mga mata ko! Agad akong napatakbo sa loob para maghilamos. Nakakahiya!
Pagbalik ko, tumatawa pa rin sila. Pinagtripan na naman nila ako.
“Alam niyo, bagay kayong dalawa. Pinagkakaisa niyo ako, ah!” Maktol ko. Kunwari lang naman.
Pero bigla silang natahimik. Napatanong ako sa sarili kung may nasabi ba akong masama.
Agad na tumayo si Kuya Tonyo. “Tara na, Angie. Ihahatid na kita.”
Napanguso ako. Hindi pa ubos ang almusal niya. Si Manang Bebang, biglang naging busy. Pinigilan ko ang kakaibang ngiti sa labi ko. Next time, babawian ko sila. Pero biglang pumanaw ang ngiti ko. Wala na palang next time.
Gaya ng dati, ibinaba ako ni Kuya Tonyo sa harapan ng subdivision. Bawal ‘yon, pero kasingtigas ng bato ang ulo niya.
“Ingat ka, ha, Angie.”
“Salamat po, Kuya Tonyo. Ikaw din, ingat sa pagmamaneho,” bilin ko.
Nang wala na si Kuya Tonyo, pumasok na ako. Kinawayan ko ang guard. Huli na rin naman ‘yon. Wala na akong trabaho. Hindi ko nasabi kina Manang Bebang. Malulungkot sila. Hayaan ko na lang. Dadalaw ako.
Ilang bahay lang, narating ko na ang amin.
Akala ko, hindi ko pa mararating na gising sila Mama.
Malakas na sampal agad ang bumungad sa akin pagkapasok ko pa lang sa pinto.
“Bakit ngayon ka lang, ha?!” dumagundong ang sigaw ni Mama.
Lalo akong nagulat nang lumingon ako. Hindi lang siya ang naroon. Sa likuran niya, naroon si Miriam. At hindi lang si Miriam ang nakatayo, nanonood.
Nandoon din si Benedicto.
😡 KABANATA 6: ANG MATA NI BENEDICTO
(Benedicto POV)
Nagulat ako sa ginawa ni Ginang Montenegro. Aakmang pipigilan ko siya nang sumugod si Miriam, niyakap ang kanyang ina para hindi na masaktan si Angelina. Napatingin pa ito sa akin na tila nahihiya.
Humakbang ako pababa nang sumulyap sa akin si Angelina, puno ng galit ang mga mata. Nanlilisik ang tingin niya.
“Saan ka galing? Wala ka na talagang ginawang tama, Angelina!” sigaw ng kanyang ina.
Nanatiling hindi nagsasalita si Angelina.
“Ma, stop it. Nakakahiya kay Benji,” pigil ni Miriam sa ina.
Nanatiling hindi umiimik si Angelina, habang pinapanood ko siya. Ngunit hindi siya nagpatalo. Ngumisi pa siya. Nanunuya.
“Tapos na ba? Pwede na ba akong umalis para makapagpahinga?” sabi niya, walang respeto sa kanyang ina.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi ko sinasabing tama ang ginawa ni Ginang Montenegro. Too much. Bakit hindi na lang kinausap?
“Aba, ang tapang mo na! Lumayas ka! Lumayas ka dito!” sigaw ni Ginang Montenegro nang maglakad si Angelina para umalis.
Huminto ito malapit sa akin. Matamang tinitigan ako bago magsalita.
“Huwag kang mag-alala, Ma. Malapit na.” Sabi niya, may ibig sabihin.
Napakuyom ako ng kamao. Tila sa akin niya sinasabi ‘yon, imbis na sa kanyang ina. At ayaw ko sa tingin niya.
“Angelina!” Si Miriam ang nagsalita. “Huwag mong bastusin si Mama sa harap ni Benji,” babala niya.
Napakagat-labi ako. Gusto kong pumunta kay Miriam, pero hindi ako makakilos.
Napalingon ako kay Angelina nang pumapak siya sa tawa.
“Ako ba, nirespeto niya? Ako ba, nirespeto ninyo?” Matatalim ang tingin niya sa akin. Napalunok ako. “Bago niyo sana ako saktan, nagtanong na muna sana kayo kung saan ako nanggaling. Kung ano’ng ginawa ko, hinusgahan niyo ako kaagad, eh!“
Nagtagis ang mga bagang ko. Napagtanto ko kung bakit ngayon lang siya umuwi—kung maaga ko pa siyang pinaalis sa club.
Tumingin siya sa akin. Nakikipagmatigasan ng tingin. Talagang may lakas siya ng loob na labanan ako. At ang tingin niya, ako ang sinisisi sa nangyayari.
Hindi ako nagsumbong sa ina nila. Naghihintay pa lang sila Mama at Miriam sa sala bago pa ako dumating. Sinabi kong bumibisita ako kay Miriam. ‘Yun naman ang totoo. At siyempre, titingnan ko kung umuwi na si Angelina. Pero heto, ngayon lang.
So why blame me?
“Sumasagot ka pa, ha!”
Nagulat ako nang biglang sumugod si Mrs. Montenegro. Dahil malapit ako kay Angelina, nahila ko siya para protektahan. Niyakap ko siya at itinago sa katawan ko. Kaya sa akin tumama ang mga kamay ni Mrs. Montenegro.
Nagulat ito at napaatras. Pati ako, nagulat sa nagawa ko.
Pasimpleng itinulak ko si Angelina palayo sa akin. Inayos ko ang sarili ko at humakbang pababa.
“Stop this now. Mag-usap kayo mamaya kapag hindi na mainit ang ulo niyo,” sabi ko. Tumitig ako sa mga mata ni Miriam. “Leave her alone for now.”
Napatingin sa akin si Mrs. Montenegro. Alam kong takot siyang galitin ako.
Hindi ko gustong makialam, lalo na sa problema ng pamilya. Pero nasimulan ko na.
“Angelina,” tawag ko. Hindi siya lumingon. “Say sorry to your mother. Ginawa niya ‘yon sa ‘yo dahil nag-aalala siya sa ‘yo.”
Nakita ko ang ngisi sa mga mata ni Mrs. Montenegro. Samantalang hindi man lang lumingon si Angelina. Nagmamatigas talaga siya.
“Angelina, nag-aalala talaga si Mama,” segunda ni Miriam. Lumapit siya sa kapatid, hinawakan ito. “Angeline, please understand.”
Buti na lang at nasa malapit ako nang biglang hilahin ni Angelina ang kamay niya. Nawalan ng balanse si Miriam. Muntik nang matumba. Hindi siya pwedeng masaktan; nagpapagaling pa lang siya.
“Angelina!” Galit na sigaw ko. Pero hindi siya nakinig. Humakbang siya paakyat sa hagdan.
Hindi ko malamang ang galit ko. Aakmang susundan ko siya, pero pinigilan ako ni Miriam.
“Benji, hayaan na lang muna natin si Angelina. Galit siya. Ganyan naman siya. Hayaan na lang natin siya,” pakiusap niya para sa kapatid.
Nagtagis ang mga bagang ko. Pero, ano pa ang magagawa ko? Ayaw kong ma-stress si Miriam.
“She’s home safe anyway. Don’t worry. Mamaya, kakausapin ko siya. Ako na bahala,” sabi ni Miriam.
Pilit kong kinalma ang sarili. Bumaling ako kay Mrs. Montenegro.
“Next time, don’t hurt her. Hindi ko nagustuhan ang pagbubuhat mo ng kamay sa anak mo, Mrs. Montenegro.”
Hindi ako lumaki sa mga magulang na nananakit. I was raised full of love and care. Kaya naman hindi ako sanay na may nakikitang magulang na sinasaktan ang mga anak.
Hinalikan ko ang noo ni Miriam. “I’m going. Call me later when you decide when you want to go to the US. I will book off to be with you.” Gusto kong makaalis na siya sa madaling panahon.
News
Habang Umiiyak ang Isang Bilyonaryo sa Puntod ng Kanyang Anak, Isang Pulubing Batang Babae ang Lumapit na Kamukhang-Kamukha Nito—Ang Lihim na Kanyang Natuklasan ay Yumanig sa Buo Niyang Pagkatao at Nagpabago ng Lahat. 😱💔
Kabanata 1: Ang Alingawngaw ng Kahapon Ang kulay abong langit ng Manhattan ay tila sumasalamin sa bigat na dumudurog sa…
Akala ng lahat ay talunan na si Elena matapos siyang iwanang walang-wala ng kanyang sakim na asawa, ngunit hindi nila alam na ang kanyang kapatid na isang Navy SEAL at ang kanyang nanay na isang batikang abogado ay nagluluto na ng isang planong wawasak sa buong imperyo ng lalaking umapi sa kanya.
Kabanata 1: Ang Masamig na Katahimikan ng Katotohanan Tahimik ang loob ng silid ng hukuman, isang katahimikang mabigat at tila…
Isang Nurse ang Sinisante Matapos Iligtas ang “Pulubi” sa ER, Ngunit Nagulantang ang Lahat Nang Dumating ang Dalawang Military Helicopters sa Highway Para Sunduin Siya—Ang Pasyente Pala ay Isang Delta Force Captain na Target ng Isang Milyonaryong Doktor!
Kabanata 1: Ang Anghel sa Gitna ng Unos Ang mga ilaw na fluorescent sa St. Jude’s Medical Center ay may…
Isang palaboy na ina ang nagmakaawa para sa “expired cake” para sa kaarawan ng kanyang anak, ngunit ang hindi niya alam, ang lalakeng nakatitig sa kanila sa dilim ay ang pinakamapangyarihang mafia boss sa lungsod. Ano ang nakita ng malupit na lalakeng ito sa mga mata ng bata na naging dahilan ng pagguho ng kanyang imperyo? Isang kwentong hindi mo dapat palampasin!
Kabanata 1: Ang Butterfly Cake at ang Estranghero sa Dilim Isang ordinaryong hapon lamang iyon sa Rosetti’s Bakery sa gitna…
Akala nila ay isang hamak na waitress lang siya na tagalinis ng basag na baso, pero nang bigkasin niya ang isang sikretong salita sa harap ng makapangyarihang bilyonaryo at ng kanyang matapobreng ina, biglang gumuho ang buong imperyo! Isang lihim na itinago ng ilang dekada ang mabubunyag—sino nga ba ang babaeng ito at bakit takot ang lahat sa kanya?
Kabanata 1: Ang Alingawngaw ng Nakaraan Walang sinuman sa silid na iyon ang naglakas-loob na magsalita sa kanya. Hindi dahil…
Isang “mahina” at nanginginig na nurse ang pilit na pinahiya, minaliit, at sa huli ay sinisante ng isang mayabang na doktor—ngunit ang buong ospital ay niyanig nang biglang lumapag ang isang itim na helicopter ng militar sa parking lot para sunduin siya! Sino nga ba talaga ang misteryosong babaeng ito na tinatawag nilang “Valkyrie”?
Kabanata 1: Ang Alamat na Nakatago sa Dilim Ang ingay ng mga fluorescent lights sa St. Jude’s Medical Center sa…
End of content
No more pages to load








